Ikaanim. Sa halip na tawagin niyang mangmang ang iba at
magpanggap siyang palabasa, ay marapat siyang mag-ingat na
lalo. Siya ang hindi man lamang nakabasa sa inyo gayong kayo
ang kanyang Ama, at tungkulin niyang malaman kung ano ang inyong sinabi. Kung ito lamang ay kanyang ginawa, ay hindi sana
siya nakapagsabi ng napakaraming kahangalan, at hindi sana siya
nabunyag at napakilalang kakaunti ang kanyang kaalaman. Natatalos ko kung saan niya kinukuha ang kanyang sinusulat: sa
ilang maninipis na aklat na inilathala sa Katalunya nina Sarda at
Salvani upang panatilihin ang kamangmangan sa bayan,
Nguni’t ang matandang lalaki ay hindi nakapagpatuloy sapagka’t tinawag ako ng tinig ng Kataas-taasan sa harap ng kanyang karurukan. Nanginginig akong lumapit at nangayupapa.
— Pumanaog ka sa daigdig, — ang utos ng makapangyarihang tinig, — at sabihin mo sa mga taong yaon na tinatagurian ang kanilang sariling mga anak mo, na Ako, na lumalang sa angaw-angaw Na araw na nililigiran ng angaw-angaw na daigdig, at bawa’t isa sa mga ito’y tinitirhan ng angaw-angaw na bagay-bagay na nilikha ko dahil sa aking walang hanggang kabutihan, ay ayokong maging kasangkapan ng mga imbing simbuyo ng ilang hindi naman siyang pinakamagaling sa mga nilikha, isang dakot na alabok na tinatangay ng hangin, maliit na bahagi ng mga naninirahan sa isa sa mga lalong maliit na daigdig ko! Sabihin mo sa kanilang hindi ko ibig, na sa ngalan ko’y pagsamantalahan nila ang kaabaan at kamangmangan ng kanilang mga kapatid. Ayokong sa ngalan ko’y tangkaing pilitin ang pag-iisip at ang pagkukurong ginawa kong malalaya. Ayokong sa aking ngalan, ay gumawa ng anumang pagmamalabis, 0 humugot kahit na isang buntong-hininga, malaglag kahit na isang patak na luha o mabubo kahit na isang patak ng dugo. Hindi ko rin nais na Ako’y ilarawan nilang malupit, mapaghiganti, tagasunod sa kanilang mga pita at tagaganap ng kanilang kalooban, Ako ang kabutihan, kaya huwag nila akong gawing isang mapaghari-harian at isang mabangis na Ama. Huwag silang magpanggap na sila lamang ang tanging may hawak ng liwanag at ng buhay na walang katapusan. Paanong magkakaganito? Hindi baga ako ang nagkaloob sa bawa’t nilikha ng hangin, liwanag, buhay, pag-ibig at pagkain upang mabuhay at lumigaya? Kung gayon, itatanggi ko ba ang lalong pinakakailangan, ang lalong pinakamahalaga, na dili iba kundi ang walang hanggang kaligayahan, dahil lamang sa kapakinaba.ngan ng iilang taong hindi naman siyang pinakamabuti sa lahat?