Pumunta sa nilalaman

Pahina:Mga akdang pampanitikan sa tuluyan (JRNCC, 1961, pangmadlang palimbag).pdf/93

Mula Wikisource
Nabasa at naiwasto na ang pahinang ito


gatoriyo ay isang bagay lamang na dili ang hindi maaari, impossibile non est, at ito, kahit na itinanggi ninyo nang tiyakan nang inyong wikaing: Tertius non est ullus, alalaong baga ay: Walang ikatlong lunan. Idagdag ninyo rito ang sinabi ni San Fulgencio, na nabuhay pagkatapos ninyo noong mga dantaong ikalima at ika- anim. Sinabi niya sa kabanatang ikalabing-apat ng incarnatione et gratia ang sumusunod: Quicumque regnum Dei non ingreditur, poenis eternis cruciatur. Ang ibig sabihin ay: “Ang sinumang hindi makapasok sa kaharian ng Diyos, ay pasasakitan ng parusang walang hanggan.”

Ikalima. Ang inyong anak ay alin sa dalawa: o hindi maalam bumasa o may buktot na kalooban kung gumawa, Akalain ba na- man ninyo na sa aking pangungusap na ang sinasabi ay ganito: “Ang mga protestante ay hindi SUMASAMPALATAYA sa bagay na ito, at ang mga ama ng simbahang griyego ay hindi rin, sapagka’t kanilang winawalang kabuluhan . . .” at iba pa, ay kanyang nahulo ang ganito: Ang mga ama ng simbahang griyego ay hindi NANGAGSISAMPALATAYA ga purgatoriyo. Paano niyang nagawang pampanahunang pangnagdaan ang panahunang pangkasalukuyan upang kanyang mabaluktot lamang ang pangungusap at mahinuha dito ang mga santong ama ng simbahang griyego? Ang ginamit ko’y pangkasalukuyan at sa kapanahunan ko’y wala na ng mga san- tong ama ng simbahang griyego at wala na kundi mga ama lamang na kaanib sa simbahang griyego. Bukod dito, sa dahilang sinusu- nod ko ang halayhay na pangkasaysayan, kaya hindi ako maaaring makapagsalita tungkol sa mga protestante muna at pagkatapos ay . sa mga santong ama ng simbahang griyego, na nagsisampalataya sa mga bagay-bagay na maaari nilang sampalatayanan noong ka nilang kapanahunan at noong ako’y nabubuhay pa sa lupa ay pa- wang nakaraan na para sa akin. Sa ngayon, sila, na lalo pang maalam at mulat ay sumasampalataya sa sinasampalatayanan na- ting lahat. At angkin ang kabuktutang-asal na ito, ay tinatawag, pagkatapos, na mapanirang-puri, mapanlinlang, at mangmang ang taong sumulat ng aking mga sinabi.

Datapuwa’t ang ganyang pamamaraan ay naging katangian na ni prayle Rodriguez. Sa ibang aklat, at sa pagtalima sa tuntunin niya na ang isang bahagi ay ariing kabuuan ay pinakahuluganan niya ng araw ang pariralang sinag ng araw, at ito’y kanyang gi- nawa upang libakin ang may-katha ng aklat at matawag na mason. Sabihin nga ninyo, sino ang mapanlinlang dito, ang mapanirang-puri, o ang mangmang?

84