- Manga camahalang napapauang nobles
may sinimpang dunong at tahó sa leyes,
manipis cong alam at salát na isip
nangahás cahima,t, di talastas batid.
- Lumalacad aco,i, piquít ang capara
ang landás na daa,i, hindi tanto,t, taya,
pangahás cong isip doon umaasa
sa pa-honrang lingap nang mga bihasa.
- Pinagsisiyá na nang bait co,t, isip
lathala nang verso,i, ayos sa matouid,
sa manga bihasa,i, culang din at libis
anyayang pa-honra ay inihihibic.
- Pinupuring tunay niring sumusuyo
ang mangag anyayang malingaping puso,
cahit di dalisay sa lustre,i, malabo
ay paparahin nang brillante at guintó.
- Gayon din sa hindi,t, aayao lumingap
yaring si I. A. nag papasalamat,
itong ninanasang ibig na matatap
ay búhay nang isang sa novela,i, banság.
- Na dili umano,i, nang panahóng una
sa reinong Portugal sabi sa novela,
sa sacop din nito na Visadang villa
doon ay mayroong pobreng mag-asaua.
- Fabio ang lalaqui tunay na pangalan
ang casi,t, esposa ay Sofia naman,
mag-asauang ito,i, buhat nang macasal
sapól sa dálita,t, ualang pamumuhay.