Pumunta sa nilalaman

Pahina:Ang buhok ni Ester - nobelang Tagalog (IA atk2473.0002.001.umich.edu).pdf/9

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito
9
ANG BUHOK NI ESTER

Palibhasa'y di dumating si Ruben sa loob ng̃ magdamag ng̃ ligalig, si kapitang Luis ay nabalisa, at pagkaumaga ay tinawag si Gerardo.

—Gerardo,—aniya,—¿anó ang iyong palagay sa ligalig na nangyari?

—Walâ po akóng malamang isipin,—ang sagot ni Gerardo,—kaya't ako'y aalis ng̃ayón at hahanapin ko si Rubén.

Siya'y madaling nagbihis, at yayaman siya'y may “licenciang” gumamit ng̃ revolver at rifle, ay kaniyang dinalá ang nasabing dalawang baril na kaniyang iniing̃atan.

—Hahanapin kong pilit ang aking pinsan.— ang magdarayang pairog niya kay kapitang Luis.

—Gerardo,—ang tugon ng̃ matandâ,—gawin mo sana any lahat mong kaya.

―Asahan na po ninyó ang gayón,—ang amin ni Gerardo.

Siya'y sumakáy sa kabayo at napatung̃o si “real” ng̃ mg̃a tulisan sa Irig. Ng̃ siya'y dumating doon ay nagtatakip silim, at dinatnán na niya sa tapat ng̃ isang kubo si Dimas na may isang kalapating̃ hawak.

2