bumaril sa karamihan.
Ang nasabing dalawang bangkay ay ipinadalá sa Presidencia ng̃ Tagapamayapang Hukom, at ginawâ ang lahat na kailang̃ang kasulatan, sakâ kinunan ng̃ kani-kaniyang salaysay ang lahat na panauhing na sa bahay ni Kapitang Luis, noong mangyari ang sakunâ. Matapos ang lahat ng̃ ito, ay ipinadala sa Hukom na kaniyang punò, at sapol noon ang Piskal ay siya ng̃ naki-alam.
Sabihin pa kayâ ang lumbay at at tang̃is ng mg̃a magulang at kapatid ng̃ napang̃anyayang binatang Angel Solimán. Subali't walâ ng mangyayari: ang pumanaw na buhay ng̃ binatà ay hindi na maaaring bawiin pa. Sa libing ay dumaló halos ang buong bayan: bukod tanging wala roon ay si Gloria at si Rubén.
Si aling Mercedes na iná ni Gloria ay ginigikban ding gaya ni Oscar, sapagka't siya'y hinihimatáy sa bawát sandalî, dahil sa pagkawalâ ng̃ kaniyang kabutong anák na si Gloria.
—Di kailang̃ang maubos man ang lahat kong yáman,—anang kahambal-hambal na matandâ,—datapuwát ipaghihiganti kong pilit ang kapang̃an-yayang nangyari sa aking anak.