Napatunayan na ang pahinang ito
78
AURELIO TOLENTINO
―Talaga ng̃a
,―ang pasiya ni Simarón.―Ang
pabang̃o ay mabisang lunas sa mg̃a hinihimatáy.
Sapol noon ay walâ ng̃ tulisáng dumalaw sa gubat ng̃ Mag-asawang Bató. Sinasabi nilang naninirahan doon ang kalulua ni Quintina, at sa tuwing madaling araw na malalim ay inaawit daw ang kaniyang nasawing pag-ibig kay Gerardong pinag ubusan niya ng̃ ling̃ap at pagmamahal.