lim-, sakâ kinuha ang asarol at sinimulan ang pagtabon sa hukay.
―¡Gerardo!
,―ang sigaw ng̃ kaawa-awang
bangkáy, samantalang siya'y tinatabunan.―¡Gerardu ko! ¡Ako'y hagkan mu pang minsan!
¡Minsan lamang! ¡Minsan na lamang, at sakâ
mu na akó tabunan!
Nadudurog halos ang mg̃a pusò ng̃ mg̃a tulisan sa malaking habag, datapuwa't si Gerardo, palibhasa'y malupit pang di hamak kay sa mg̃a tulisan, ay hindî man lamang nagulumihanan ang pusò niyang taksil, at bagkós pa ng̃ang pinagmadalian ang pagtabon sa hukay.
Natapos ang lahát.
Sila Gerardo at ang mg̃a kasamang tulisán ay nagsi-alis na mabilis, dalá ang balutang damit ni Quintina, at sila'y nagsipagtulóy sa bahay ni Dimas na pinagtirahan kay Gloria.
―Nabuhay na muli si Quintina
,―ang anás
ni Dimas sa mg̃a kasama.
―Marahil ay hindi tinablang ng̃ lason
,―ang tugon ni Bagyó.
―Lalot nahalimuyakan ng̃ pabang̃ó ng̃ panyo ni Senyor Gerardo
,―ang salo ni Pugot.