pakò
,―ang utos ni Gerardo.
―¡Gerardo! ¡Gerardong sintá kol ¡Ako'y hagkán mo pang minsan!
,―ang malalim na tinig
ng̃ bangkáy buhat sa loob ng̃ kabaong.
―¿Bakâ pu kaya nabuhay ah?
,―ang tanóng
ni Dimas.
―¡Ulol!
,―ang sagot ni Gerardo.—Huwag
kang kumibô.
Si Gerardo ay naninkayód sa ibabaw ng̃ kabaong, sakâ ipinakò ang takip. Ang kalabog ng̃ martillo ay nakakatugón ng̃ kahambal-hambal na halinghing ng̃ bangkay na na sa loob.
Natapos naipakò ang takip.
―Ihulog ninyó sa hukay,
—ang utos ni Gerardo.
Ang mg̃a tulisán ay tumupad.
Pagkahulog ng̃ kabaong sa libing̃an, ay kumatóg ang bangkáy sa loob: anaki'y sinisikaran at pilit binubuksan ang takip.
―¡Gerardu ko!
,―ang kakilakilabot na sigaw
ng̃ bangkáy.
―Nabuhay ng̃a po: ating iyahon
,―ani Dimas.
Siya'y inirapan ni Gerardo ng̃ matang Padron:Hws