Pumunta sa nilalaman

Pahina:Ang buhok ni Ester - nobelang Tagalog (IA atk2473.0002.001.umich.edu).pdf/71

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito
71
ANG BUHOK NI ESTER

Sumunod sa kanyang likuran ang mga tu­lisan, at tinung̃o ang bangkay, mabilis ang lakad. Ng̃uni't samantalang sila'y napapalapit, ay du­madahan naman unti-unti ang kanilang hakbáng, hanggang sa nang̃apatigil noong may mg̃a limang dipa na lamang ang kanilang layó.

Siláng lahát ay kinikilabutan. Sa malaking takot ni Gerardo ay nang̃atog ang mg̃a tuhod at kumapak ang baba. Ang mg̃a tulisán ay nang̃agkanlong at sumilip sa ibabaw ng̃ balikat ni Gerardo, at silang lahát ay ng̃iniki ng walang lagnát.

Ang lahat ng̃ matá'y parang ipinapakò sa bangkáy.

Ng̃ mapagmasdan ni Gerardo na ito'y hin­di tumitinag, ay tinawag si Dimas.

―Kunin mo siya,―ang kaniyang utos,―at lagay mo sa kabaong.

Dang̃an ng̃a lamang at malaking lubhâ ang takot ni Dinas kay Gerardo, kayá't baga man di kayang tumupad sa utos, ay pinag-ubos ang lakas ng loob at marahang-marahan, parang nanunubok, ay lumapit sa bangkáy.

―¡Naku, Dius ko!,―aniya, samantalang