Padron:Hwe sa kaniyang liig yoong mahigpit na bisig,
ay naririnig niya ang malambing na salitang:―«Gerardo» «Gerardo ko» «Salamat»
Ang lamig noong mg̃a bisig at kamáy na yumakap sa kaniyang liig ay naramdaman niyang tumagos hanggang sa kaibuturan ng̃ kaniyang mga buto.
Salamat na lamang at sa kaniyang pagpupumiglas ay nakawala din siya doon sa mahigpit na yakap ng bangkay. Siya'y lumuksó ng̃ ubos lakás at lumayô.
Pagdakáy lining̃ón ang bangkáy na naiwan at ng̃ makita niyang nakahandusay sa lupa at walang tinag, ay tumawag.
―Dimas
,―aniya.
―Pó
,―ang sagot nitó sa malayo.
Sila Dimas at ang mg̃a kasama ay nang̃aroon na sa bung̃ad ng̃ landas na tung̃ó sa Mag-asawang Bato, at anyong magsipagtaanan.
―¡Mga matalote!
,―ang sigaw ni Gerardo,
sabay bunot ng̃ kaniyang revolver, sakâ dagling
pinaroonan ang mg̃a tulisán.
―Babarilin ko ang aalis
,―ang kaniyang
kagulat gulat na bantâ―Halina't bumalik.