ang salità ni Dimas. Gayón pa man ay hindî siya nagpahalatâ sa kaniyang pagkabigô.
―¿Sino?
,―aniya.―¿Ako ang natatakot? ¡Talagá kayóng mg̃a duwag! Hali-kayó rito.
Silang lahát ay nagsilapit sa bangkáy.
Sa malaking takot si Gerardo, ay siya'y
kinilabutan, nanglamig ang mg̃a kamay at paa,
at nang̃atal ang buong katawán. Subali't, upang
huwag siyang matawag ng̃ duwag, ay linakasáng pilit ang kaniyang kalooban, kinalong at
binuhat ang bangkay, sakâ muling inilagay sa
loob ng̃ kabaong, at ng̃ inaabot niya sa kabilâ nito ang takip, ay muling idinilat ng
bangkáy ang kaniyang mg̃a matá, sakâ niyakap sa liig si Gerardo, kasabay ng̃ wikang,―
«Salamat
»
―¡¡¡Sus!!!
,―ang lalong malakas na sigaw ni
Gerardo sabay talón at takbó. Subali't ang
bangkáy ay hindî natanggal sa pagkayakap sa kaniyang liig, at sa pagpupumiglás na makawalâ ni
Gerardo, ang nasabing bangkáy ay napalambitin sa kaniyang likuran. Si Gerardo ay natisod sa isang bató at nadapâ, kaya't siya'y
kinubabaw ng̃ bangkáy, at samantalang Padron:Hws