pagsasama; ewan kung ang masidhing bang̃ó ng̃
panyong itinakip sa kaniyang mukhâ ay nakapagbigay ng̃ diwâ sa bigla niyang pagkamatáy;
dapuwa't ang buong katutohanan, pagsayad sa
kaniyang mg̃a labì ng̃ mg̃a labi ni Gerardo,
paglagutok noong talimhagang halik, ay idinilat
ng bangkay ang kaniyang malalalim na matá,
tinitigan si Gerardo, niyakap sa liig at…―«Salamat
»―aniya.
―¡¡¡Sus!!!
, ang malakas na sigaw ni Gerardo,
at sa pagkabiglâ niya ng̃ takot, ay naipukol ang
bangkáy sa malayo at maliksing tumakbó.
―Bakit po?
, ang tanong ni Dimas.
―Ako'y pinangdilatan at iniyakap,
―ang sagót
ni Gerardo.
Nang̃absag ang buhok ng̃ mgã tulisan.
―Ilagay ninyó siya sa kabaong at ibaon
,―ang
utos ni Gerardo.
Ang mg̃a inutusan ay hindi nagsikibô at hindi nagsitinag.
―¿Anó kayo?
,―ang bulas ni Gerardo.
―Kung kayó pô ay natatakot, ¿ay kami pa
kayâ?
,―ang tugón ni Dimas.
Ang magaling na lalaki ay napahiya: matuwid