Kinilabutan ang kaniyang taksil na pusò, at siya'y linagnat.
―¿Yari na ba ang kabaong?
,―ang kaniyang
nang̃ang̃atal na tanong.
―Yari na po
, ang sagot ni Dimas.
―¿At ang hukay?
,―ang kaniyang ulit.
―Yari na rin po
,―ani Simarón.
―Dalhin ang kabaong sa tabi ng̃ hukay.
Ang mg̃a inutusan ay tumapad.
Kinalong ni Gerardo ang bangkay ni Quintina, sakâ inilagay sa loob ng̃ kabaong.
Datapuwát, anaki'y parang pinakahimakas, parang huling paalam doon sa kaawa-awang babaying hindî nagsawang nagmahal sa kaniya habang buhay, ay hinawi ang buhok na susmabog at tumakip sa kaniyang mukhâ, pinagmasdan sa maramot na liwanag na isinasabog ng̃ malamlam na sigá, sakâ marahang hinagkan sa labi.
Ewan kung anó ang nangyari; ewan kung hindî pa lubos na namatay si Quintina; ewan kung kaniyang naramdamán ang ligamgam noong kauna-unahang halik na hindî niya kinamtan kay Gerardo sa baba ng̃ kanilang