niwalaan- ko muna na ang lang̃it ay lumagpak sa infierno, bago ko paniwalaang si Ruben ay nakagawâ ng̃ gayong kaitim na kapaslang̃an.
Ang maraming dalaw na nang̃aroon, at sampu pa ng̃ Fiscal na nagkataóng naroon din, ay pawang nanggilalás.
―Nag-iibayo ang kaniyang lagnat,―anang isa.
―Siya'y nahihibang,―sagot ng̃ manggagamot.
―Hindî ako nahihibang, ang tutol si Oscar,―maliwanag ang aking pag-iisip, at malalaman ko ang lahat kong sinasabi. Dito ay may malalim at madilim na lihim na nangyari at kasalukuyang nangyayari. Sa kabila ng dilim na tumatakip sa mg̃a sumisimbuyong kapaslang̃an ay namamanaag ang mailap na animo ng̃ isang taksil, at ang taksil na ito ay hindi si Ruben. kungdî isang hayop, isang halimaw na nagbalatkayong tao. Ang susi nitong kakilakilabot na lihim ay buhay at pagpipilitan kong makuha, upang lumitaw ang lahat na katotohanan. Ang susing sinabi ko ay dili ibá kungdî ang buhok ni Ester.