daw ay siyang umagaw sa kaniyang anak, at tulóy pa niyang linason, ay linakasang pilit ang kanyang kalooban, at hindi na ng̃a naman siya hinimatay, at bagkós lagi niyang isinusumpang taimtim na guguguling lahat ang kaniyang maraming kayamanan, kung kailang̃an, huwag na di lamang maipaghiganti ng̃ sapát ang kaniyang kabutong anák.
Si Oscar ay naglulubhâ, at baga ma't nakuha na ang punglô sa loob ng kaniyang katawan, ay hindî man malayong di nya ikamatay ang sugat na pinaglagusan sa kaniyang tagiliran.
Gayon pa man, pagdakang ibinalita sa kaniya na si Ruben ay siya raw umagaw kay Gloria, at kaniya paraw pinagnasaan piliting gawan ng̃ mahalay, ay siya'y biglang pumakaw sa pagkaratay, nagalit at sumigáw, ng ganitó:
―¡Hindi mangyayari!, aniya―¡Hindi mangyayari ang ibinabalità ninyó! Si Ruben ay sumisinta at naaalang alang kay Gloria, gaya ng̃ pagsinta at alang-alang niya sa Maykapal, at dahil sa gayon ay hindî maaaring kaniyang lapastanganin. ¡Hindi! ¡Hindî mangyayari! Padron:Hws