Padron:Hwe ng̃ boticario ang mga ito, ay sinabi niyang ang naging laman ay «acido carbolico», isang mabisang lason.
Dahil sa lahát ng̃ itó, ay maliwanag na luminaw ang tatlong kasalanang sumusunod: una, ang pag-agaw kay Gloria, (rapto), ikawala, ang mahalay na nais sa kaniya, (violación frustrada); ang kusà, binalak at sinadyang pagpatay kay Gloria rin, (asesinato), sa pamamagítan ng̃ lason.
Ang lahat na kasalanang itô ay pawang nadadagdan kay Ruben.
¿Sabihin pa kayâ ang lumbay at hinagpis ng̃ mag-amang kapitang Luis at Ester. Ang lahat ng̃ puri; dang̃al, luwalhati at mayamang kapalarang paminsanang nabunton sa kaniyang maligayang bahay, sa isang kisap matá ay napalitan ng̃ luksâ at mabang̃is na kamatayan.
Si kapitang Luis ay hindî makatulog gabi't araw, bahagyâ ng̃ makakain, at lagi ng̃ nagbubuntóng hining̃â.
Si Ester ay tumatang̃is na walang lubáy.
Si Da. Mercedes ay hinihimatáy sa bawa't
sandalî; subali't ng̃ malaman niyang si Ruben