walang ibang may botitos na may hebilyang gintong tinampukan ng̃ batong brilyante, kundî bukod tang̃ing si Gloria lamang. At bukod sa roon ay maliwanag na nagpapatotoo ang dalawang panyong nakuha natin dito.
―Maliwanag na si Ruben ay siyang umagaw at nakamatay kay Gloria, sa pamamagitan ng̃ lason,―ang tugón ng̃ Fiscal
Ang siam na saksing nátitirá, na pawang kainuman ng̃ alak ni Dimas, ay isá-isang nagsulit sa harapan ng̃ Huez de Paz at ng̃ Piscal, at siláng lahat ay pawang akmâ sa isinalaysay ng̃ nauna.
Matapos maisulat ang lahat na salaysay ng̃ mg̃a saksi, at pati ng̃ hikaw na brillanteng napulot sa sahig, at gayon din ang singgalong at ang munting prunggong nakuha sa ibabaw ng̃ hapag, at ang dalawang panyong may titik na “KAY GLORIA. HANDOG NI RUBEN AT “KAY RUBEN. HANDOG NI GLORIA,” ang Huez de Paz at ang Fiscal ay umuyi na sa bayan, at ipinakilala sa boticario kung ano ang naging lamán ng̃ singalong at munting prunggong nabangit sa itaas. Matapos Padron:Hws