Pumunta sa nilalaman

Pahina:Ang buhok ni Ester - nobelang Tagalog (IA atk2473.0002.001.umich.edu).pdf/52

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito
52
AURELIO TOLENTINO

na pinanggaling̃an nila Gerardo. Ang presiden­te Municipal, kasama ang kaniyang mg̃a poli­cia, ay nagsihabol sa mg̃a tulisán, ng̃uni't ang mg̃a itó ay malalayò ng̃ lubhâ, at hindî na maaaring abutan.

Sa loob ng̃ nasabing bahay, sa gitnâ ng̃ sa­hig, ay nakita ng̃ Juez de paz ang isang hikaw na may tampok na batong brillanteng lumiit- liit lamang sa kalambibit, sirâ ang pakaw at tila waring pinilit na binaltak sa kanyang kina­lagyan.

Sa ibabaw ng̃ hapag ay may nakitang isang singalong, isang munting prunggong walang la­man at isang panyong sutlang may titik na ganito:

“KAY GLORIA
“HANDOG NI
“RUBEN.

Sa ibawbaw ng̃ papag ay may nakita rin panyong puting may ganitóng titik.

“KAY RUBEN
“HANDOG NI
“GLORIA

Matapos pasumpain ng̃ Juez de paz, upang