Pumunta sa nilalaman

Pahina:Ang buhok ni Ester - nobelang Tagalog (IA atk2473.0002.001.umich.edu).pdf/49

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito
49
ANG BUHOK NI ESTER

―Ako'y iyong...pinainom ng̃ lason...há? ―ang nabúbulunang sigaw ng̃ kahambal-hambal па babayi.―¡¡¡Lason!!!...¿Iyan bagá...ang iyong...igágantí sa maraming...suyu ko... at ling̃ap... sa iyo?...¡¡¡Lason!!!...¡Oh!... ¡Salamat! ¡¡¡Salamat...sa...iyo!!!

Siyá'y nabulagtâ.

―¡Gloria!,―ang ungol ni Gerardo.―¡Gloria! ¿Patáy na ng̃a kayâ?

―¡Namatay!,―anang nang̃asa--upà.

―Bagyó,—ang sigaw ni Gerardo.―Ang mg̃a kabayo: madalî. Aalis tayo ng̃ayon din.

―Daluhán natin,―anang isang babayi sa lupà.

Anyong papanhik sa hagdanan ang mg̃a ilán katao, nguni't si Gerardo ay dumung̃aw sa linib at makaitlo silang paputukan ng̃ revolver.

Gayón na lamang ang sigawan ng̃ mg̃a ba­bayi. Salamat na lamang at waláng tinamaan.

Sa isáng kisap-mata ay parang niwalis ang mg̃a nag iinuman ng̃ alak, sumabog at nagsi­pagsuot kung saan-saan.

Ang panyóng kinabalutan ng̃ mg̃a hiyas ni Gloria, at gayón din ang munting prunggô at

singgalong na pinaglulanan ng lason ay Padron:Hws

12