Pumunta sa nilalaman

Pahina:Ang buhok ni Ester - nobelang Tagalog (IA atk2473.0002.001.umich.edu).pdf/48

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito
48
AURELIO TOLENTINO

Anò ang nangyayari sa akin?...
Anò't lumalabó ang aking mg̃a matà?...
Anót nagdidilim mandin ang maliwanag?...
Anòt umu-ugong ang buong linalang?.......

Siyày tumindig na sumusuray.

―¡Ah!.......Akòy naiinis!,―anang abâ.

―Anò ito?.......

Biglang tinampál ang kaniyang noo, na tila waring may naala-alang mahalagang bagay. Nanglisik ang mg̃a matá ng̃ kaawa-awang babayi sakâ pinangdilatan si Gerardo.

―¡Oh!...!Dios ko!,―ang kaniyang kalagim- lagim na hing̃al.―Ngayon ko naala-ala...¿Anó ang iyong...ipinainom sa akin...kang̃ina?.... ¡kapaslangan!......¡Bakà kaya'y lason!.... ¡Lason nga ... marahil! ...... ¡¡¡Lason!!! ¡Ah!...¡¡¡Mamamatay ako!!!

At siya'y napalupagi sa sabig.

―Gikban natin,―anang mg̃a tao sa lupà.

―Huwag,―ang pasiya ni Dimas.

Pinag-ubos ni Quintina ang kaniyang natitirang lakás, at muling tumindig. Bumúbulâ ang bibig at nag-aalab ang mg̃a mata; nanging̃inig ang bu­ong katawán at namamaos ang kaniyang tinig.