Gerardo.
―Sila'y gikban natin,―anáng isang babaying na sa lupà sa tabi ni Dimas at nanonood sa isáng butas ng̃ dingding.
―Pabayaan natin silá,―ang pasiya ni Dimas.
―Sukat na naman,―ang samong anás ni Quintina kay Gerardo.―Maglubay ka na, at akó'y mapapagal nang totoo, at tila mandin akó'y napilayan pa sa pagkahampas mo sa akin sa sahig.
―¿Lalaban ka pa?―ang malakás na tanong ni Gerardo.
―¡Maglubáy ka na!―ang ulit na anas ni Quintina.―Maglubay ka na sana, at ako'y.... ¡Oh!..¡Nagbabaga yaring dibdib!...Parang hinihiwà ng̃......Bitiwan mo akó!
Siya'y binitiwan ni Gerardo.
Ang lasong kaniyang inamon sa kaawa- awang babayi ay nagsisimula na ng̃ pag-iral.
Tumagistis ang malamig na pawis ni Quintina, at siya'y biglang namutlang anaki'y tunay na bangkáy.
―¡Dius ko!....―ang kaniyang buntong- hining̃á.―¿Ano itó?...¿anó ang nangyayari sa