Padron:Hwe sila'y magkaparis, maging sa hagway at maging sa pang̃ang̃atawan. At dahil din sa gayon, ay parang isinukat sa kaniya ang mg̃a nasabing damit at hiyas.
―Mabuti na lamanag at nalaman mong̃ sinukatan sa pag-iisip ang aking buong katawán, ―ani Quintina.
―Sapagka't ang iyong larawan ay hindi humihiwalay kaylan pa man sa aking pag-iisip, ―ang sagot ni Gerardo.
Sa biglang tuwâ ng kaawà-awang Quintina, ay niyakap na mahigpit si Gerardo, sakâ pinupog ng̃ marami at madidiing halik.
At dapat ng̃a namang magkagayon si Quintina, sapagka't sapol pa sa unang araw ng̃ pagsasama nila ni Gerardo, ay hindi pa niya naringgan, kungdi ng̃ayon lamang ng̃ mg̃a salitang malambing na anaki,y ng̃iti ng̃ lalong taimtim na pag-ibig.
―Kapag ako ay naulol,―ang lambing ni Quintina,―ay kasalanan mo: ¿sukat mo ba akong ibili ng̃ ganito karami at karirikit na hiyas?
Samantala'y dumating si Dimas, at may Padron:Hws