praskong alak: narito. Nalalaman mo na ng̃ang diyan ay may mg̃a ilang bahay. Anyayahan mo ang̃ mg̃a taong dito'y naninirahan, sakâ kayo mag-inuman ng̃ alak diyan sa tapat. Huwuag ninyong limutin na ang pang̃alan ko ng̃ayong gabi ay Doktor Ruben Gatsalian, at sabihin mong inagaw ko si Gloria. Kung itatanong nila kung sino si Gloria, ay ituru mo si Quintina. Ipagbilin mong mahigpit sa iyong mg̃a kasama, na sila'y huwag magkamali.
Tinanggap ni Gerardo ang prasko ng̃ alak sakâ umalis.
Si Gerardo ay nanhik sa bahay, at kinuha ang balutan ng̃ damit ni Gloria.
―Ikaw ay ipinagpagawâ ko ng̃ damit sa Maynila,―aniya kay Quintina samantalang kinabukasan.―Kabuhisan lamang ay binayaran ko ng̃ apat na daang piso: ang botitos ay apat na daang piso naman, pati ng̃ tampok na brilyante sa hebilya.
―¡Pitong daang pisong lahat!―ang manghâ ni Quintina.
―Pagmasdan mo naman at masisiyahan ka,― ani Gerardo, samantalang inilaladlad ang