Padron:Hwe ay kaniyang ikamatay; ikapat, ay ipinagbilin ni Dimas na kahit anó pa man ang mangyari, ay huwag kong ipahintulot ang siya'y lapastang̃anin ng̃ sinó man. Kung kayó man po ay may ibig gawin sa kaniya, ay huwag ng̃ayóng siya'y na sa paghihimatay, kungdî mamayang siya'y pagsaulan ng̃ diwà. Kung hindi gayón, ay hindi mangyayari.
—¡Napakatapang mo!
—Sa katuwiran po lamang.
—¿Anó bang katuwiran ang idinadaldal mo? Ditoy walang tunay na katuwiran kundî bukod tang̃ing ang aking kalooban. Akó, akong sarili ay siyang tunay na katuwiran. ¿Narig̃ig mo? Ako'y siyang nagbibigay ng̃ pagkain sa inyó, at hindi maaaring hindi kayó susunod sa lahat kong utos.
—Maaari po ang lahat ninyong utos, huwag lamang hinggil sa paglapastang̃an diyan sa kaawa awang babayi, na hindi natin nalalaman kung pagsasaulan pa ng̃ hining̃a sa kaniyang paghihimatay.
―¿Hindi ba mangyayari, ang wikà mo?
—Hindi po, hindi mangyayari.