Napatunayan na ang pahinang ito
19
ANG BUHOK NI ESTER
Padron:Hwe sa kahapis-hapis yang kalagayan, ay sápilitang mahahabag, sápilitang kakayagin ng̃ malaking pamimitagan. Subali't ang damdamin ni Gerardo ay hindi laan sa hábag, walang munting hilig sa pamimitagan, at anaking iniukol lamang sa lupit at sa paglapastang̃an sa lalong kagalang-galang na bagay.
Si Gerardo ay ng̃umitî.
—Ng̃ayon pa lamang,—aniya sa sarili,—ng̃ayon pa lamang mabubusog ang aking nasasabik na nais.