Pumunta sa nilalaman

Pahina:Ang buhok ni Ester - nobelang Tagalog (IA atk2473.0002.001.umich.edu).pdf/123

Mula Wikisource
Napatunayan na ang pahinang ito
KABANATANG VIII
Ang Pagsisisi Ni Dimas

 

Ang pag-isip at kalooban ni Ester ay nana­wa sa mg̃a binalà ni Oscar kay Gerardo, hing­gil sa kapang̃anyayaang nangyayari kay Gloria at kay Ruben Gayón pa man ay hindi nagpa­halata, at bagkos nagpakita ng̃ masayáng muk­hâ sa mahal niyang pinsan, baga ma't sapul noon ay tinalasan ang kaniyang mga mata, sa pag­mamasid sa lahat ng̃ anyô at kilos ni Gerardo.

Pagdating ng bahay ay siya'y tinawag.

―Gerardo,―aniya,―mabuti rin ang naglala­kad-lakad.

―¿Bakit Nene?