Napatunayan na ang pahinang ito
11
ANG BUHOK NI ESTER
ko sa isang punò ng̃ kahoy, at sa kabilâ nitó ay kinabitán ko ng̃ “grilleteng” gapos sa magkábilang paa, at siya'y binábantayán nila Bagyó, Simarón, Pugot at Kidlat. Si Kulog po ay namatay.
—¿Hindi kayâ makapagtahanan si Ruben?
—Hinding hindi po.
—Umuwi ka sa bayan ng̃ayong gabi, at sunduin mo si Quintina, sapagka't siya'y aking kailang̃an.
—Opo.
—Isama mo si Simarón, si Pugot at si Bagyó. Apat kayó, pati ikaw.
—Opo.
—¿Anó ang tawag sa dakong hilagà ng̃ dulong̃ nayon?
—San Juan po,
—Sa kabila niyan?
—Pinagbitinan po.
—Sa kabila pa niyan?
—Sang̃ang Daan po.
—Oo ng̃a, dian. Dalhin ninyó doon si Quintina at ako'y hintayin ninyó.
—Opò.