Napatunayan na ang pahinang ito
10
AURELIO TOLENTINO
—Dimas,—ani Gerardo,—¿anó ang lagay ni Gloria?
—Siya po'y linalagnat, ang sagot ni Dimas.— Samantalang dalá ko siya habang magdamag sa ibabaw ng̃ kabayo, ay hindi mamakasampong hinimatay.
—¿Hindi ba kayo naghiwalay ni Tiktik?
—Hindi po.
—¿Hindî ba naman nasaktán si Gloria sa pagdadala mo?
—Hindi po, at siya ko ng̃ang pinaka-ing̃at- ing̃atan.
—At ng̃ayon, ¿ay sino ang nagbabantay sa kaniya?
—Si Juana po, si Tiktik at si Buhawi.
—¿Sinong Juana?
—Si Juana pong asawa ko.
—¿Siya ba'y bihis lalaki ring gaya ng̃ dati?
—Opò.
—¿Saan silá naroon ng̃ayón?
—Naroon po sa bahay, dian sa malapit na pulô.
—¿At si Ruben?
—Gaya po ng̃ inyóng bilin, siya'y ibinikakà