Pumunta sa nilalaman

Mayoboc petition (9 May 1681)/abesedaryo

Mula Wikisource
Pacaen de Mayoboc (1681)
Mga maginoo ng San Pablo Mayoboc
Tekstong nasa abesedaryo
2448Pacaen de Mayoboc — Tekstong nasa abesedaryo1681Mga maginoo ng San Pablo Mayoboc

Ang vica namin, cami sina Don Luis Catindig, Don Bentura Cagio, Don Domingo de la Cruz, mañga caveza nang barangay, at caming ybang maginoo: Don Sebastián Capindan, Don Diego Santiago, Don Jullán de la Cruz, Don Bentura Dimarasigan, Don Ignaçio Aluarez, Don Mateo Disamala, sa ñgalan at pahintolot nang lahat nang namamayan dini sa bagong bajan ni San Pablo Majoboc, guinaua namin ytong conocimiento de obligaçión na jbibigaj namin sa comuento na gagalin touing taon sa pagcain nang aming maguiguin Padre Guardián.

Ang caonaonahan, daluang pouong pessos na salaping tunay.
Ang ycalua, daluang libong salop na palay.
Ang ycatlo, ysang dumalaga at ysang sisio, at anim na itlog ang maghapun.
Ang ycapat, sa mang̃a arao nang Aduentus at mañga Viernes at Sabado at vigillas nang boong taon, ang ysda ay ang casisiyahan ng aming Panginoon.
At ang mañga despachos nang aming Padre Guardián at pagdapit sa pagbibisita nang Padre Prouyncial at Padre Comissario ay hindi oopa sa mañga tauo. At jtoj obligassión nang bajan.

Yto ang aming pinagcayariang boong bajan: na sucat jpilit jpaganap sa amin nang alinmang Justicia nang Haring Panginoon natin na mapagsacdalan nitong aming conocimiento de obligaçión, datapouat con jcaaua nang Panginoong Dios at magcaestependio na magcasisijana nagagalin nang comuento aj ycaaua naman sa amin nang Pañginoon naming Padre Provyncial na valin sa aming obligación ang daluang pouong pessos, sampon nang dalvang libong salop na palaj.

Ang pagcatotoo nito aj aming finirmahan nang aming mañga ñgalan nang sulat tagalog sa harapan ni Don Domingo, pono theniente, mi baras dini sa bagong bajan ni San Pablo Majoboc, visita nang Gumaca, cahocoman nang Calilajan, nang jcasijam na arao nang bouan nang Majo nang labi sa libong anim na daan, valong pouo at jsang taon.

Don Diego Sandiago ᜇᜓᜁᜈᜐᜒᜌᜓ ᜶ ᜀᜊᜇᜒ 
ᜇᜓᜎᜓᜁᜃᜆᜒᜇᜒ  ᜇᜓᜊᜒᜆᜓᜇᜃᜄᜌᜓ 
ᜇᜓᜋᜆᜒᜌᜓ ᜶ ᜇᜒᜐᜋᜎ  ᜇᜓᜊᜒᜆᜓᜇᜇᜒᜋᜇᜐᜒᜄ 
ᜇᜓᜇᜓᜋᜒᜄᜓ ᜶ ᜇᜒᜎᜃᜓᜇᜓ  Don Jullán dela Cruz
ᜇᜓᜐᜒᜊᜆᜒᜌ ᜶ ᜉᜒᜇ