Pumunta sa nilalaman

Bilihan ng lupa ni Doña María Dayang (ika-5 ng Hunyo 1644)/abesedaryo

Mula Wikisource
Venta de un pedazo de tierra (1644)
Doña María Dayang
Tekstong nasa abesedaryo

Ito ay bersyon ng tekstong gumagamit ng orihinal na pagbabaybay, ngunit nilagyan ng karampatang bantas at ibinuo ang mga daglat o abrebasyon.

2446Venta de un pedazo de tierra — Tekstong nasa abesedaryo1644Doña María Dayang

Sa bayan nang Tongdo, limang arao ang bovan nang Junio, labi sa libon anim na daan at apat no povot apat na taon: Sa harapan nang capitán Don Augustín Moyses, gouernador dito sa bayang yto, at sa harapan cong escriuano, at sa mang̃a sacsing hongmaharap, dongmolog si María Dayang at si Matias Gonçalez na assaua nia. Napasangpalataya acong escriuano att tantong nang̃aquiquilala co: napaalam mona ytong si María Dayang sa caniyang asava nang sucat gomaua nitong sulat. Ay pinapaalam at tinolotan at caylanman ay hindi cacalaguin ang liçençiang bigay sa cania. Ay nang macapaalam na, ay ang vica: siya ay nagbili nang lupa na boquid na doon sa tapat nang Cabayanan, mana nia, at cabahagui cay Don Matias de Molina at cai María Lihim na caniyang asaua at anac nitong si María Dayang. Ang hanga niong lupa sa cabila ay bacovod ni Doña María Ganda at sa Sangpad, at sa dacon bondoc, lupa nang Colejio sa Santo Domingo at sa cabila, lupang nabili nang maestre de campo Don Francisco Liuag cay Da Luçia Doña. Ang pinagbilhan ay yto ding maestre de campo Don Francisco Liuag. Ang bili ay apat na povong salapi na binilang sa canila, na nasa canila. Bagaman lalo caya ang halaga, ay ybinigai na sa cania ang calaloan at ang natatanto nila na yaon ang halaga. At conbaga ytong lupang yto ay di totoong cania, ang gagaoen ay ang caogalian nang mang̃a ybang nagbibili at binigyan nang capangyadihan ytong nilinang conan nang posessión ytong lupa, homingi caya sa juzgado: siya na caya ang magsadili na balang loob nia. Binigyan nang capangyadihan ang mang̃a personas nang Hareng Pang̃inoon natin, nang ysaquit sa canila ang napapalaman dito sa sulat at anomang canilang catoveran hendi nila ytototol at paquinabang̃an. Ang sacsing hongmaharap: ang capitán Don Antonio de Cosar, ang capitán Don Ssebastián Catipanan, ang ayudante Don Augustín Reaño nagsisiharap. Nagfirma si Matias Gonçalez. Di nagfirma ang asaua at di maalam sumulat.

Don Augustín Moyses. Sa harap co, Policarpo [Zumarraga?], scriuano.
Matias Gonsalez.