Pumunta sa nilalaman

Bilihan ng lupa ni Doña María Dayang (ika-5 ng Hunyo 1644)

Mula Wikisource
Venta de un pedazo de tierra (1644)
Doña María Dayang
Tekstong modernisado
2443Venta de un pedazo de tierra — Tekstong modernisado1644Doña María Dayang

Sa bayan ng Tongdo, limang araw ang buwan ng Junio, labi sa libon anim na daan at apat na puo't apat na taon: Sa harapan ng capitán Don Augustín Moyses, gobernador dito sa bayang ito, at sa harapan kong escribano, at sa mga saksing hungmaharap, dungmulog si María Dayang at si Matias Gonçalez na asawa niya. Napasampalataya akong escribano at tantong nangakikilala ko: napaalam muna itong si María Dayang sa kaniyang asawa ng sukat gumawa nitong sulat. Ay pinapaalam at tinulutan at kailanman ay hindi kakalagin ang licenciang bigay sa kaniya. Ay nang makapaalam na, ay ang wika: siya ay nagbili ng lupa na bukid na doon sa tapat ng Cabayanan, mana niya, at kabahagi kay Don Matias de Molina at kay María Lihim na kaniyang asawa at anak nitong si María Dayang. Ang hangga niyong lupa sa kabila ay bakood ni Doña María Ganda at sa Sangpad, at sa dakong bundok, lupa ng Colegio sa Santo Domingo, at sa kabila, lupang nabili ng maestre de campo Don Francisco Liuag kay Doña Lucia Doña. Ang pinagbilhan ay ito ding maestre de campo Don Francisco Liuag. Ang bili ay apat na puong salapi na binilang sa kanila, na nasa kanila. Bagaman lalo kaya ang halaga, ay ibinigay na sa kaniya ang kalaluan at ang natatanto nila na yaon ang halaga. At kumbaga itong lupang ito ay di totoong kaniya, ang gagawin ay ang kaugalian ng mga ibang nagbibili at binigyan ng kapangyarihan itong nilinang kunan ng posesión itong lupa, humingi kaya sa juzgado: siya na kaya ang magsarili na balang loob niya. Binigyan ng kapangyarihan ang mga personas ng Haring Panginoon natin, nang isakit sa kanila ang napapalaman dito sa sulat at anumang kanilang katuwiran hindi nila itututol at pakinabangan. Ang saksing hungmaharap: ang capitán Don Antonio de Cosar, ang capitán Don Ssebastián Catipanan, ang ayudante Don Augustín Reaño nagsisiharap. Nagfirma si Matias Gonçalez. Di nagfirma ang asawa at di maalam sumulat.

Don Augustín Moyses. Sa harap ko, Policarpo [Zumarraga?], escribano.
Matias Gonsalez.


This work was published before January 1, 1931, and is in the public domain worldwide because the author died at least 100 years ago.