Ang Ikalawang Sulat ni Pablo kay Timoteo
Itsura
2 TIMOTEO
Ang ikalawang sulat ni Pablo kay Timoteo ay isinulat habang siya ay nasa bilangguan. Ito ay isang huling paalala ng katatagan, katapatan sa ebanghelyo, at pananatili sa pananampalataya sa gitna ng mga pagsubok.
Kabanata 3
[baguhin]14 Subalit manatili ka sa mga bagay na iyong natutuhan at matatag na pinaniwalaan, yamang nalalaman mo kung kanino ka natuto, 15 at kung paanong mula sa pagkabata ay iyong nalaman ang mga banal na kasulatan na makakapagturo sa iyo tungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. 16 Ang lahat ng mga kasulatan na hiningahan[1] ng Diyos ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, pagsaway, pagtutuwid, sa ikatututo na nasa katuwiran. 17 upang ang lingkod ng Diyos ay magiging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawain.
Talababa
[baguhin]- ↑ 3:16 o kinasihan