Ang Bayang Kahapishapis/Taong 1/Bilang 2/Sa «El Filipino Libre»
MediaWiki:Proofreadpage pagenum template
SA «EL FILIPINO LIBRE.»
Sa nauukol sa periodicong ito ng̃ ica 23 ng̃ Agostong calampas, ay nababasa:
«Consejo de Guerra.»
«Ang periódico Americano Manila Times, ay
nagsasalaysay na kinoconsejo de guerra ang dalauang sundalo Americano at isang cabo pa, na
nauukol silang lahat sa compania C ng̃ 16.º
Regimiento ng̃ Infanteria, na nangloob sa ilang
bahay ng̃ mg̃a Tagalog ó Filipinos, na hindi lamang pinagcuha ng̃ mg̃a pagaareng mey mg̃a halaga, cundi pinagsasactan pa ang mg̃a may
bahay.
»
Mga cababayan, tingnan ninyo ang mg̃a asal ng̃ mg̃a nagpupumilit mamahala sa atin: nasabi ang dalauang sundalo isang cabo; upang matacpan ang pangloloob ng̃ isang Companiang boo, isang batallon, ó isang Regimiento, ó ang guinaui nilang lahat.
¿Sino caya ang salvaje? ¿Ang may mg̃a sueldong anim napung piso para sa buan-buan ó ang sa tatlong piso,t, san salapi, na macagaui ng̃ gayong gauang casamasamaan?
Panahon, mg̃a casi, na dapat natin ipagmasaquit itong ating mg̃a bahay at mg̃a bayang tinuboan, sapagcat cung sila ang maghahar rito, quita natin ang gaua, at hindi lamang nabanguis cung saang lugal nang loob.
ATENCION COMPATRIOTAS.
En el pueblo de Noveleta provinca de Cavite, hay una tienda que se titula LA FRATERNIDAD en que se preparan desayunos, comidas, meriendas, ponche y refresca de agua filtrida con limon y se venden varios artículos de Europa y del País, principalmente el arroz, como también toda clase de Emblemas, Estrellas, Botonaduras, Escarapelas y Barbaquejos proprios para el Ejército Filipino; y ademas se hacen tarjetas y reciben encargos para Manila con un precio barato.
ACUDID COMPLOBANOS, ACUDID
Macario Dacons.
Sa mg̃a bayang Noveleta at Naik sa la-lawigang Tang̃uay ay me’i mg̃a tindahang nag-ngãng̃alang LA CARIDAD NG FRATERNIDAD, na nagbi-bili ng̃ Bigas, Langis, Gas, Casafuego, Picadura ng̃ La Insular, Papel Ulmant, at ibat ibang clase ng̃ cigarillos, sa halagang mababa na kawang̃is sa Maynila.
HALINA KAYO, HALINA.
Macario Dacons.
CORONEL SAN JUAN
Ang mairuguin sa Inang Filipinas, ay binisita niya ang limbagan, at sa pagcamasid niya, ay caniyang isinaysay na caniang hahandugan ng̃ lubos na pagtulong, sa ikaaayos ng̃ limbag̃ang ito, at sa icalalauig ng̃ buhay nitong Lathal; lahat ng̃ mg̃a Jefes, oficials at ilang mg̃a clases sa caniyang masidhing Regimiento at mg̃a caual pa, ay sumanib na.
¡Buhay ca nauâ ng̃ mahabang panahon, oh héroe sa San Pablo at sa Pasay at sa Sapote sa ataque ni Polavieja!
ISANG ANGEL.
Nang ica 20 ng̃ Agostong nacaraan, umaquiat sa calualhatian, si Felicisimo S. Miguel at Ongcapin, Anac ng̃ ating mairuiguin casamahan M. Luciano S. Miguel, General de Brigada ng̃ Hocbo nitong República Filipina.
Isinisipi namin, laló na ang boong Cavite, ang lumbay sapagcauala ng̃ bung̃a ng sinta, sa mg̃a magulang at mg̃a camag anacan.