Ang Aklat ni Ester (Griego)
ESTER (GRIEGO)
Di tiyak ang may-akda ng bersiyong ito, na naglalaman ng mga karagdagang bahagi na isinulat sa wikang Griego upang palawakin ang kuwento ng aklat ni Ester.
Pangunahing Pahina: Bibliya • Nakaraang Aklat: Judit • Kasunod na Aklat: Karunungan
MGA KARAGDAGAN SA AKLAT NI ESTER
Kabanata A
[baguhin]øØø KABANATA A øØø
(Sa ibang bersiyon ay katumbas ng Ester 11:2-12:6, isiningit bago ang Kabanata 1 sa Septuaginta)
Ang Panaginip ni Mardoqueo
1 Sa ikalawang taon ng paghahari ni Artajerjes na dakilang hari, sa unang [araw] ng Nisan, si Mardoqueo na [anak] ni Jairus, ang [anak] ni Semeias, ang [anak] ni Ciseo, mula sa lipi ni Benjamin,
2 Isang Judio na naninirahan sa lungsod ng Susa, isang dakilang tao, na naglilingkod sa palasyo ng hari, ay nakakita ng isang pangitain.
3 Ngayon siya ay mula sa pagkabihag na dinala ni Nabuchodonosor na hari ng Babilonia mula sa Jerusalem, kasama si Jeconias na hari ng Judea.
4 At ito [ang] kaniyang panaginip: Narito, mga tinig at isang ingay, mga kulog at lindol, kaguluhan sa ibabaw ng lupa.
5 At, narito, dalawang malalaking ahas ang lumabas, kapuwa handa para sa labanan, at mula sa kanila ay nagkaroon ng isang malakas na tinig,
6 at sa pamamagitan ng kanilang tinig bawat bansa ay naghanda para sa labanan, maging upang lumaban laban sa bansa ng mga matuwid.
7 At, narito, isang araw ng kadiliman at kailaliman, kapighatian at pighati, hirap at malaking kaguluhan sa ibabaw ng lupa.
8 At ang lahat ng matuwid na bansa ay nabagabag, natatakot sa kanilang sariling mga kapighatian; at naghanda silang mamatay, at sumigaw sa Diyos:
9 At mula sa kanilang sigaw ay nagkaroon na tila isang malaking ilog mula sa isang maliit na bukal, [maging] maraming tubig.
10 At ang ilaw at ang araw ay sumikat, at ang mga hamak ay itinaas, at nilamon ang mga marangal.
11 At si Mardoqueo na nakakita ng pangitaing ito at kung ano ang nilalayon ng Diyos na gawin, pagkagising, ay iningatan sa kaniyang puso, at ninais sa lahat ng paraan na bigyang-kahulugan ito, maging hanggang gabi.
Iniligtas ni Mardoqueo ang Buhay ng Hari
12 At si Mardoqueo ay nanatiling tahimik sa palasyo kasama sina Gabata at Tara na dalawang katiwala ng hari, mga eunuko na nagbabantay sa palasyo.
13 At narinig niya ang kanilang mga pangangatuwiran at sinuri ang kanilang mga plano, at nalaman na sila ay naghahanda na gumawa ng masama sa hari Artajerjes: at ipinaalam niya sa hari ang tungkol sa kanila.
14 At sinuri ng hari ang dalawang katiwala, at nagkumpisal sila, at pinatay.
15 At sumulat ang hari ng mga bagay na ito bilang isang alaala, at sumulat din si Mardoqueo tungkol sa mga bagay na ito.
16 At inutusan siya ng hari na manirahan sa palasyo, at binigyan siya ng mga regalo bilang kabayaran.
17 Ngunit si Haman, ang anak ni Hamedata, isang Bugueo, ay nasa malaking karangalan kasama ng hari, at siya ay naghangad na saktan si Mardoqueo at ang kaniyang bayan dahil sa dalawang eunuko ng hari.
Kabanata B
[baguhin]øØø KABANATA B øØø
(Sa ibang bersiyon ay katumbas ng Ester 13:1-7, isiningit sa pagitan Ester 3:13 at 3:14 sa Septuaginta)
Ang Utos ni Artajerjes Laban sa mga Judio
1 Ito ang sipi ng liham:
"Ang dakilang haring Artajerjes, mula sa India hanggang Ethiopia, sa isang daan at dalawampu't pitong lalawigan, sa mga pinuno at sa mga satrap na nasa ilalim niya, at sa mga nag-iingat ng aming mga gawain, magalak kayo.
2 Sapagkat ako, na naghahari sa maraming bansa at may kapangyarihan sa buong sanlibutan, ay hindi nagmataas dahil sa kapalaluan ng kapangyarihan, kundi sa kahinahunan at kaamuan ay laging kumilos, kaya't ipinasiya kong magbigay sa aking mga sakop ng masaganang buhay; at ang kaharian ay maging payapa at bukas hanggang sa dulo nito, upang ang lahat ng tao ay makabalik sa inaasam na kapayapaan.
3 Samantalang sumangguni ako sa aming mga tagapayo tungkol sa mga bagay na ito, si Haman, na sa amin ay nakahihigit sa pagpapasya, na lumapit nang may kabutihan at katapatan sa amin, at tumanggap ng ikalawang posisyon sa kaharian,
4 Ipinabatid niya sa amin na may ilang mga tao na kinapopootan at lubhang humihiwalay mula sa lahat ng bansa sa mundo, na sinasabing sila ay mga diyos, at sa mga hari ay sumasalungat sa kanilang mga batas, kaya't ang aming magaan na kapayapaan ay sinisira.
5 Kaya't nalaman namin na ang tanging bansang ito ay patuloy na lumalaban sa lahat ng tao, at nabubuhay sa kakaiba at banyagang batas, at kinakalaban ang aming pamamahala, at wawasakin ang aming kaharian sa lahat ng masamang paraan na hindi namin nalalaman.
6 Kaya't ipinag-uutos namin na ang lahat ng ipinahayag sa amin sa mga sulat ni Haman, na tagapangasiwa ng kabutihan at pangalawang ama namin, kasama ang kanilang mga asawa at mga anak, ay pawang lipulin sa pamamagitan ng tabak ng kanilang mga kaaway, nang walang awa at walang habag, sa ikalabing-apat na araw ng ikalabindalawang buwan, iyon ay, Adar, ng kasalukuyang taon;
7 Upang ang mga nagkaroon ng masamang hangarin laban sa amin, na matagal nang [umiiral], sa isang araw sa pamamagitan ng pagbaba sa Hades, ay iwanan ang aming kaharian na ganap na walang kaguluhan at hindi nasisira para sa hinaharap."
Kabanata C
[baguhin]øØø KABANATA C øØø
(Sa ibang bersiyon ay katumbas ng Ester 13:8–14:19, isiningit pagkatapos ng Ester 4:17 na sinundan ng Kabanata D bago ang Ester 5:3 sa Septuaginta)
Ang Panalangin ni Mardoqueo
1 At si Mardoqueo ay nanalangin sa Panginoon, na sinasabi:
2 “O Panginoon, Panginoon, Hari, Diyos ng lahat, sapagkat ang buong mundo ay nasa ilalim ng iyong kapangyarihan, at walang sinumang makakapigil sa iyo kung ipinasya mong iligtas ang Israel.
3 Sapagkat ginawa mo ang langit at ang lupa, at bawat kamangha-manghang bagay sa silong ng langit.
4 At ikaw ay Panginoon ng lahat, at walang sinuman ang makakapigil sa iyo, Panginoon.
5 Alam mo ang lahat, at nalalaman mo na hindi sa pagmamataas, o sa pagmamataas, o sa anumang hangarin sa kaluwalhatian ang ginawa ko upang hindi ko sambahin si Haman na mapagmataas.
6 Sapagkat handa akong halikan ang mga yapak ng kaniyang mga paa para sa kaligtasan ng Israel.
7 Ngunit ginawa ko ito upang hindi ko ilagay ang kaluwalhatian ng tao sa ibabaw ng kaluwalhatian ng Diyos, at hindi ako sasamba sa sinuman maliban sa iyo lamang, aking Panginoon; at hindi ko ito gagawin sa pagmamataas.
8 At ngayon, O Panginoong Diyos, Hari, Diyos ni Abraham, iligtas mo ang iyong bayan, sapagkat nilalayon nilang puksain kami, at pawiin ang iyong mana.
9 At huwag mong hamakin ang iyong bahagi, na iyong tinubos mula sa lupain ng Egipto para sa iyong sarili.
10 Sapagkat dinggin mo ang aking panalangin at maawa ka sa iyong bahagi at kalagayan, at ibaling mo ang aming kapighatian sa kagalakan, upang kami ay mabuhay at purihin ang iyong pangalan, O Panginoon; at huwag mong hayaang mawala ang bibig ng mga pumupuri sa iyo.
11 At ang buong Israel ay sumigaw nang buong lakas, sapagkat malapit na sa kanila ang kamatayan.”
Ang Panalangin ni Ester
12 Si Reyna Ester, sa matinding kapighatian ng kamatayan, ay nagkubli rin sa Panginoon.
13 Hinubad niya ang kaniyang marangyang damit at isinuot ang damit ng paghihirap at pagluluksa. Sa halip ng mga pinong pabango, tinakpan niya ang kaniyang ulo ng abo at dumi. Lubos niyang pinahirapan ang kaniyang katawan at hinayaan ang kaniyang gusot na buhok na bumagsak sa katawan na minsan niyang gustong pagandahin.
14 Pagkatapos ay nanalangin siya sa Panginoon, ang Diyos ng Israel, na sinasabi, “Panginoon ko, aming Hari, ikaw lamang! Tulungan mo ako, sapagkat ako'y nag-iisa; wala akong ibang tulong kundi ikaw.
15 at ako'y nakalantad sa panganib.
16 Natutunan ko mula sa aking pagkabata, sa bahay ng aking ama, na ikaw, Panginoon, ang pumili sa Israel mula sa lahat ng mga bayan, at ang aming mga ama mula sa lahat ng kanilang mga ninuno, upang maging iyong mana magpakailanman. At ginawa mo para sa kanila ang iyong ipinangako.
17 Ngayon ay nagkasala kami laban sa iyo, at ibinigay mo kami sa kamay ng aming mga kaaway,
18 Sapagkat pinuri namin ang kanilang mga diyos. Oo, ikaw ay matuwid, Panginoon!
19 Ngunit hindi sila nasiyahan sa pagpapailalim sa amin sa malupit na pagkaalipin, kundi gumawa sila ng kasunduan sa kanilang mga diyos-diyosan
20 Upang pawalalan-bisa ang iyong ipinag-utos, upang mawala ang iyong mana at upang patigilin ang mga bibig ng mga pumupuri sa iyo, na pinapatay ang kaluwalhatian ng iyong Bahay at ng iyong Altar,
21 At upang buksan ang mga bibig ng mga bansa upang sambahin ang walang halagang mga diyos-diyosan at upang hangaan ang isang mortal na hari magpakailanman.
22 Huwag mong ibigay ang iyong setro, O Panginoon, sa mga walang kabuluhan; huwag mong hayaan silang kutyain ang aming pagkawasak! Ibaling mo ang kanilang mga balak laban sa kanila, at magpakita ka ng kaparusahang halimbawa sa nagpasimula ng pag-atake sa amin.
23 Alalahanin mo, O Panginoon, at ipakita mo ang iyong sarili sa panahon ng aming kagipitan! At palakasin mo ako, O Hari ng mga diyos, Panginoon ng lahat ng may kapangyarihan.
24 Ilagay mo sa aking mga labi ang matatamis na salita kapag ako'y humarap sa leon, at baguhin mo ang kaniyang puso upang kamuhian ko siya na lumalaban sa amin at sirain siya at ang kaniyang mga tagasunod.
25 Iligtas mo kami mula sa kanila sa pamamagitan ng iyong kamay at tulungan mo ako, sapagkat ako'y nag-iisa at wala akong sinuman kundi ikaw, Panginoon! Alam mo ang lahat,
26 Alamin mo na kinamumuhian ko ang kaluwalhatian ng mga masasama, at kinasusuklaman ko ang higaan ng mga hindi tuli at ng sinumang dayuhan.
27 Alam mo na nandito ako dahil sa pangangailangan; kinamumuhian ko ang nagniningning na sagisag na nagpapalamuti sa aking noo kapag ako'y lumalabas sa publiko; kinamumuhian ko ito tulad ng isang basahang may dugo, at hindi ko ito kailanman sinusuot kapag ako'y nag-iisa.
28 Ang iyong lingkod ay hindi kailanman kumain sa mesa ni Haman, ni nagpakita man ng paggalang sa mga piging ng hari, ni uminom man ng alak ng mga handog.
29 Ang iyong lingkod ay hindi nakahanap ng kaligayahan mula nang magbago ang kaniyang kalagayan hanggang ngayon, maliban sa iyo, Panginoon, Diyos ni Abraham.
30 Diyos, na may kapangyarihan sa lahat, dinggin mo ang tinig ng mga desperado: iligtas mo kami mula sa mga kamay ng masasama at iligtas mo ako mula sa lahat ng takot!”
Kabanata D
[baguhin]øØø KABANATA D øØø
(Sa ibang bersiyon ay katumbas ng Ester 15:1-19, isiningit bago ang Ester 5:3 sa Septuaginta.)
Dumulog si Ester sa Hari
1 At nangyari sa ikatlong araw, nang siya ay matapos manalangin, hinubad niya ang kaniyang mga damit ng paglilingkod at isinuot ang kaniyang maringal na kasuotan.
2 At sa kaniyang maringal na pagharap, matapos niyang tawagin ang tulong ng Diyos na nakakakita sa lahat at Tagapagligtas, isinama niya ang dalawang dalagang katulong;
3 sa isa siya ay marahang sumandal, na parang isang babaeng nagpapakasarap sa buhay;
4 habang ang isa nama'y sumunod sa kan9ya, bitbit ang laylayan ng kaniyang kasuotan.
5 At siya mismo ay namumula sa rurok ng kaniyang kagandahan, at ang kaniyang mukha ay masaya na tila kaibig-ibig, ngunit ang kaniyang puso ay nanliit dahil sa takot.
6 At pagkapasok sa lahat ng mga pintuan, tumayo siya sa harap ng hari, at siya ay nakaupo sa trono ng kaniyang kaharian at suot ang buong kasuotan ng kaniyang kamahalan, lahat ay ginto at mamahaling bato, at siya ay lubhang nakakatakot.
7 At nang itaas niya ang kaniyang mukha na nagniningas sa kaluwalhatian sa rurok ng galit, tiningnan niya siya, at bumagsak ang reyna at nagbago ang kaniyang kulay sa panghihina at yumuko sa ulo ng dalagang nauna sa kaniya.
D.8 Ngunit binago ng Diyos ang espiritu ng hari tungo sa kaamuan, at sa pagkabahala siya ay tumalon mula sa kaniyang trono at binuhat siya sa kaniyang mga bisig, hanggang sa siya ay magkamalay, at inaliw siya ng mga salitang mapayapa at sinabi sa kaniya:
9 "Ano ito, Ester? Ako ang iyong kapatid. Magpakatatag ka,
10 Hindi ka mamamatay, sapagkat karaniwan ang utos na ito sa atin.
11 Lumapit ka."
12 At pagtaas ng ginintuang setro, inilagay niya ito sa kanyiang leeg at hinalikan siya at sinabi: "Magsalita ka sa akin."
13 At sinabi niya sa kaniya: "Nakita kita, Panginoon ko, bilang isang anghel ng Diyos, at ang aking puso ay nabalisa dahil sa takot sa iyong kaluwalhatian;
14 Sapagkat ikaw ay kahanga-hanga, Panginoon ko, at ang iyong mukha ay punô ng kagandahang-loob."
15 At habang siya ay nagsasalita, siya ay nahimatay dahil sa kaniyang panghihina,
16 at ang hari ay nabalisa, at ang lahat ng kaniyang mga lingkod ay sinubukang aliwin siya.
Kabanata E
[baguhin]øØø KABANATA E øØø
(Sa ibang bersiyon ay katumbas ng Ester 16:1-24, isiningit sa pagitan ng Ester 8:12 at Ester 8:13 sa Septuaginta.)
Batas ng Hari sa Ikaliligtas ng mga Judio
1 Ang sumusunod ay kopya ng liham: “Ang dakilang Haring Assuero sa mga gobernador ng mga lalawigan sa isang daan at dalawampu’t pitong satrapiya mula sa India hanggang Etiopia, at sa mga tapat sa aming pamahalaan: Pagbati!
2 Marami ang naging mas ambisyoso habang pinupunô sila ng karangalan sa pamamagitan ng saganang kagandahang-loob ng kanilang mga tagapagtaguyod.
3 Hindi lamang nila hinahangad na saktan ang aming mga sakop kundi, dahil hindi nila kayang harapin ang gayong kadakilaan, nagsisimula pa silang magbalak laban sa kanilang sariling mga tagapagtaguyod.
4 Hindi lamang nila pinapaalis ang pasasalamat mula sa sangkatauhan kundi, sa mapagmalaking kayabangan ng mga hindi nakakaintindi sa kabutihan, ipinapalagay nilang makakatakas sila sa mahigpit na paghuhukom ng Diyos na nakakakita ng lahat.
5 Kadalasan, ang matamis na salita ng mga kaibigang pinagkatiwalaan ng pangangasiwa ng mga usapin ay umudyok sa marami na inilagay sa awtoridad na maging kasabwat sa pagdanak ng dugo ng inosente, at nasangkot sila sa hindi na mababawing mga sakuna,
6 Sa pamamagitan ng panlilinlang gamit ang malisyosong paninirang-puri sa tapat na mabuting kalooban ng mga pinuno.
7 Maaaring mapatunayan ito sa mga sinaunang kuwento na naipasa sa atin, ngunit mas lubos kapag isinasaalang-alang mo ang masasamang gawa na naganap sa inyong kalagitnaan sa pamamagitan ng nakakapinsalang impluwensya ng mga hindi karapat-dapat sa awtoridad.
8 Kailangan nating maglaan para sa hinaharap, upang mapanatili ang kaharian na walang kaguluhan at mapayapa para sa lahat ng tao,
9 Sinasamantala ang nagbabagong kondisyon at laging nagpapasiya sa mga bagay na nakakarating sa aming atensyon na may patas na pagtrato.
10 Halimbawa, si Haman, anak ni Hamedata, isang Macedonio, tiyak na hindi Persiano ang dugo, at lubhang naiiba sa amin sa kagandahang-loob, ay malugod na tinanggap namin.
11 Malaki ang pakinabang niya sa mabuting kalooban na mayroon kami sa lahat ng tao kaya siya ay ipinahayag na ‘aming ama,’ kung kanino lahat ay dapat yumukod; at nakamit niya ang posisyong ikalawa lamang sa trono ng hari.
12 Ngunit, dahil hindi niya makontrol ang kanyang kayabangan, sinikap niyang agawin sa amin ang kaharian at ang buhay,
13 At sa paghabi ng masalimuot na sapot ng pandaraya ay hinihingi niya ang paglipol kay Mardokeo, ang aming tagapagligtas at laging tagapagtaguyod, at ni Ester, ang aming walang dungis na reyna, kasama ang kanilang buong bansa.
14 Dahil sa gayong mga hakbang ay umasa siyang mahuhuli kami na walang kalaban at maililipat ang pamamahala ng mga Persiano sa mga Macedonio.
15 Ngunit aming natuklasan na ang mga Judio, na itinakdang lipulin ng arki-kriminal na ito, ay hindi gumagawa ng masama, bagkus ay pinamamahalaan ng napakatarungang mga batas,
16 At mga anak ng Kataas-taasan, ang buhay na Diyos ng kamahalan, na nagpapanatili ng kaharian sa isang umuunlad na kalagayan para sa amin at para sa aming mga ninuno.
17 Mas mabuti kung gayon, na balewalain ninyo ang liham na ipinadala ni Haman, anak ni Hamedata,
18 Sapagkat siya na sumulat nito ay itinusok sa tulos, kasama ang kanyang buong sambahayan, sa harap ng mga tarangkahan ng Susa. Kaya mabilis na dinala ng Diyos, na namamahala sa lahat, ang nararapat na parusa sa kanya.
19 Dapat ninyong ilabas ang kopya ng liham na ito sa publiko sa bawat lugar upang patunayan na ang mga Judio ay maaaring sumunod sa kanilang sariling mga batas,
20 At upang matulungan ninyo sila sa araw na itinakda para sa kanilang kapahamakan, ang ikalabintatlong araw ng ikalabindalawang buwan, Adar, upang ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga umaatake sa kanila.
21 Sapagkat ang Diyos, ang pinuno ng lahat, ay ginawang araw ng kagalakan para sa kanila ang araw na iyon mula sa pagkalipol ng bayang pinili.
22 Kaya, kayo rin ay dapat magdiwang ng karapat-dapat alalahanin na araw na ito sa inyong mga itinalagang kapistahan nang may buong kagalakan,
23 Upang ngayon at sa hinaharap ay maging pagdiriwang ito ng paglaya para sa amin at para sa mga Persiano na may mabuting kalooban, ngunit para sa mga nagbabalak laban sa amin ay paalala ng pagkalipol.
24 Bawat lungsod at lalawigan na walang pagbubukod na hindi sumusunod sa kautusang ito ay walang awang sisirain sa pamamagitan ng apoy at tabak, upang maiwan itong hindi lamang hindi nayapakan ng mga tao, kundi iiwasan pa ng mga mababangis na hayop at ibon magpakailanman.”
Kabanata F
[baguhin]øØø KABANATA F øØø
(Sa ibang bersiyon ay katumbas ng Ester 10:4–11:1, isiningit pagkatapos ng Kabanata 10 sa Septuaginta.)
Naalala ni Mordecai ang Kanyang Panaginip
1 At sinabi ni Mardocheo, "Mula sa Diyos nagmula ang mga ito.
2 Sapagkat nagunita ko ang tungkol sa panaginip na nakita ko tungkol sa mga bagay na ito; sapagkat walang salita na lumipas mula sa mga ito.
3 Ang munting bukal, na naging ilog at mayroong liwanag at araw at maraming tubig; si Esther ang ilog, na pinakasalan ng hari at ginawang reyna.
4 Ang dalawang dragon ay ako at si Haman.
5 Ang mga bansa na nagtipon upang lipulin ang pangalan ng mga Judio.
6 Ang aking bansa, ito ay ang Israel, sila na sumigaw sa Diyos at iniligtas; at iniligtas ng Panginoon ang kaniyang bayan, at sinagip tayo ng Panginoon mula sa lahat ng kasamaang ito, at ginawa ng Diyos ang mga tanda at ang mga dakilang kababalaghan, na hindi nangyari sa mga bansa.
7 Dahil dito, gumawa siya ng dalawang palabunutan, isa para sa bayan ng Diyos at isa para sa lahat ng mga bansa. 8 At dumating ang dalawang palabunutan na ito sa oras at panahon at sa araw ng paghuhukom sa harapan ng Diyos at sa lahat ng mga bansa.
9 At nagunita ng Diyos ang kaniyang bayan at ipinawalang-sala ang kaniyang mana.
10 At ang mga araw na ito ay magiging para sa kanila sa buwan ng Adar, sa ikalabing-apat at sa ikalabing-lima ng parehong buwan na may pagtitipon at kagalakan at kasiyahan sa harapan ng Diyos sa bawat henerasyon magpakailanman sa kaniyang bayang Israel."
Pahabol
11 Noong ika-apat na taon ng paghahari ni Ptolomeo at Cleopatra, dinala ni Dosifeo, na nagsabing siya ay isang saserdote at Levita, at ni Ptolomeo na kaniyang anak ang naunang liham ng Purim, na sinabi nilang isinalin ni Lisimaco, anak ni Ptolomeo, na taga-Jerusalem.